AfterCallWork

Give me a minute or two.

Araw ng Panunumpa

June 30, 2010

  

Umaga. Ika-30 ng Hunyo.

Wala akong pasok, kaya’t walang dagdag sa sweldo. ‘Pag ganito kasing special holiday, kahit paano’y may 30 percent na dagdag sa arawang sahod.

‘Di bale, relaks lang sa bahay. Manonood na lang ng panunupa ng bagong nahalal na Pangulo.

Exciting ‘yun ha? Akalain mo, sa araw na ito ay matatapos na rin ang isang sumpa. Ito ang sumpa ng pakikinig sa isang pinuno na ayaw na naming paniwalaan dahil panay labas-sa-ilong ang mga sinasabi.

Lahat yata ay kinausap ng mga reporter sa kanilang special coverage. Pati mga abubot (tulad ng mga manika at mga t-shirt na may imahe ng bagong pangulo) ay binusisi na nila. At may theme song ang inauguration ha! Hiningan pa nila ng sampol ang mga kakanta.

Wala akong nabalitaan na nag-request na naman ang mga pinuno ng mga kumpanyang BPO (business process outsourcing) na exempted na naman kami sa special holiday pay. Pero pasasaan ba’t darating din tayo d’yan. Bibigay din kaya ang pangulo sa ganitong kahilingan?

“Baka may mag-hire ng sniper,” wika ng anak kong lalaki sa tabi ko. Talaga itong anak ko, DotA na naman ang iniisip.

Posted by edsa at 6:55 am | permalink | Add comment

Sponsored Links

About Me

Highway54 currently works for one of the Philippines' top-performing call centers. This blog documents his current adventures as a dad, a writer and a technical support professional.